MAGSASAGAWA si 12-times Philippine Open Champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. ng simultaneous chess exhibition sa Abril 12 na gaganapin sa Jade Hall, Xevera Complex, Mabalacat City, Pampanga.

“We do this to promote chess in the grass-roots level,”sabi ni National Arbiter Jose Fernando ‘Fer’ Camaya sa event na punong abala si sportsman Crisostomo C. Garbo.

Bukod sa pagdaraos ng simultaneous chess exhibition, may isasagawa ding 3-day chess arbiters seminar mula Abril 10 hanggang 12 sa nasabing lugar.

Kasama sa tatalakayin sa arbiter seminar ang topic sa FIDE Laws of Chess, Regulations for Swiss System Tournaments, FIDE Rating System, Manual & Swiss Manager Pairing System, Arbiters Guide, CAUP/NCFP License ID, and other related topics on tournaments, tie-breaks, time controls, at norms.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kabilang sa mga nauna ng nagpatala ay sina Australia based Ric Ambatali, Rolly Yongco, Sharina Salas, Flowery Manguera, Ed Chuanico, Joel Mazo, Dennis Francisco, Anthony Atienza, Fernando Olfindo Estela Sabiniano at Erwin Miranda. “It is a great opportunity for Kapampangan people to avail of this arbiter seminar. They don’t have to spend so much time to go to Manila,” pahayag ni Camaya, kilala ding chess organizer at chess coach/trainer.

Sa mga nagnanais namakilahok,makipag-ugnayan sa 0915-881-4752.