Simula ngayong Lunes ay naka-heightened alert na ang Department of Transportation kaugnay ng “Oplan Biyaheng Ayos 2019” para sa mga mag-uuwian sa mga lalawigan sa Semana Santa.

DOBLE ALERTO Idinaos ngayong Lunes ang send-off ceremony sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard na ipakakalat kaugnay ng heightened alert status sa lahat ng pantalan, paliparan, at transport terminal sa bansa para sa paggunita sa Semana Santa sa susunod na linggo. (ALI VICOY)

Ayon sa DOTr, na pinamumunuan ni Secretary Arthur Tugade, magtatagal ang naturang heightened alert status hanggang sa Abril 25.

Alinsunod sa heightened alert status, ang mga ahensiyang nasa ilalim ng DOTr ay inaatasang magpapatupad ng “24/7 operations” sa kanilang action centers sa mga paliparan, terminal ng bus, at daungan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Maging ang mga Malasakit Help Desks ng DOTr ay bubuksan din 24/7.

Sakaling may mga pasaherong ma-stranded, tiniyak ng DOTr na pagkakalooban sila ng emergency medical assistance, pagkain, at libreng tawag sa landlines at cell phones.

Nag-inspeksiyon na rin kaninang umaga si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa mga terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at nagbukas na rin ng ilang help desk para sa mga pasahero.

Simula nitong Linggo ay nagpatupad na ang MIAA ng “Oplan Semana Santa 2019” sa NAIA, na tatagal hanggang sa Abril 27, 2019.

-Mary Ann Santiago at Ariel Fernandez