TATANGKAING selyuhan ng Davao Cocolife ang kampeonato s a Southern Division ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup sa duwelo ngayon sa mismong balwarte sa Almendras Gym sa Davao City.

Ang Tigers ni team owner Claudine Bautista ng Davao Occidental LGU na suportado nina Cocolife President Elmo Nobleza ,FVP Joseph Ronquillo at AVP Rowena Asnan ay muling haharap sa defending MPBL champion Batangas Athletics sa rubbermatch Game 3 para sa Southern title.

Nagtabla ang serye sa 1-1 nang makaungos ang Batangas sa Game 2.

Ang Davao Cocolife Tigers na tanyag sa matinding suporta ng homecrowd ay muling magpapamalas ng bangis partikular ang kanilang homegrown talent na sina Emman Calo,Joseph Terso,Louie Medalla bukod sa eksplosibong laro nina PBA veterans Mark Yes,Leo Najorda Bonbon Custodio,,Cebuano star Billy Robles at defense specialist Bogs Raymundo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We are ready for the jugular. Never in our territory. This is the game of our life”, sambit ni Tigers coach Don Dulay na epektibong kabalikat sa bench sina deputy coaches Rob Wainwright at Manu Inigo, kasama sina team managers Bong Baribar at Ray Alao.

S a n o r t h d i v i s i o n , magtutunggali rin sa ‘do-or-die’ ang Manila Stars kontra San Juan Knights sa San Juan City Filoil Arena sa ligang inorganisa ni Sen. Manny Pacquiao.