Kinumpirma ng Public Attorney's Office (PAO) na ginahasa ang 16-anyos na si Christine Lee Silawan bago ito pinatay sa Lapu Lapu City, Cebu, kamakailan.

SILAWAN(17)

Sinabi ni PAO forensic expert Dr. Erwin Erfe, nakitaan ng mga galos at pasa ang ari ng dalagita nang isailalim sa awtopsiya ang bangkay nito.

Patunay aniya ito na hinalay muna ang biktima bago pinaslang.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Natuklasan din sa awtopsiya na binuhusan ng asido ang mukha ng biktima bago ito binalatan.

Tiniyak naman ni PAO chief Atty. Persida Rueda Acosta, na magsusumite sila ng supplemental case laban mga salarin sa krimen.

Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Silawan sa isang bakanteng lote sa Barangay Bankal, nitong Marso 11 ng madaling araw.

-Beth Camia