KINAILANGAN na naman ni Jessy Mendiola na ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa basher.Sinagot ng bida ng Stranded ang bastos na komento ng netizen.

Jessy

“Ba’t lawlaw na d*de mo?” ang komento ng basher sa ipinost ng aktres na litrato niya na kita ang cleavage sa suot na scuba gear.

Sagot ni Jessy: “OA ka naman sa lawlaw. Ganyan ang normal na boobs, hindi tayong-tayo.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dahil sa comment na ‘yun ng netizen, nakuyog ito ng followers ni Jessy. May nagpayo pa sa basher na mag-aral siya kaysa pakialaman ang mga artista, lalo na at wala siyang magandang sasabihin.

Hindi na muling sumagot si Jessy, pero matagal na pinagtripan ng followers niya ang nasabing basher, na sising-sisi siguro sa ginawa niya.

Mas mahalaga para sa followers ni Jessy ang comment ni Luis Manzano na “My gaaad”. In fact, laging hinihintay ng fans ng magkasintahan ang comment ni Luis, na walang pinalalampas sa mga posts ng kanyang girlfriend.

-NITZ MIRALLES