BUO ang suporta ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa mga atletang Filipino,sa kanilang paghahanda para sa 30th Soutehast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Bukod sa pagpapasaayos ng ilang mga venues, nagagamit na rin ang mismong dormitoryo at dining hall na para sa mga atleta.
Naniniwala si PSC chairman William “Butch” Ramirez na hindi lamang sa puspusang training nakukuha ang tagumpay kundi pati na rin sa maayos na pamumuhay at pagkain ng mga atleta.
“Kagaya ng mandato sa akin ng Presidente Duterte, “pakainin mo mga bata”, sabi niya kasi pareho kami na naniniwala na kailangan bigyan ng wastong tirahan at pagkain ang mga atleta natin kasi sila ‘yung pride ng bansa natin,” pahayag ni Ramirez.
Sa puntong ito ay abala na rin ang PSC para sa paghahanda para sa biennial meet, gayung sila ang hahawak g pondo na magmumula sa gonyerno upang ipantustos sa hosting.
Kamakailan, isinagawa na ng PSC ang pagtataas ng morale ng mga atleta sa pamamagitan ng isang pagtitipon para sa mga National Athletes na tinatawag na Go Pilipinas Go, na kinatampukan ng isang mini concert bilang pagpupugay sa karangalan na inihatid ng mga atletang Pinoy at sa mga darating pang mga karangalan.
Ayon kay Ramirez, umpisa pa lang ito ng mga pagdiriwang bilang paghahanda para sa hosting ng bansa, at para sa mga atleta.
“Sa ngalan po ng PSC, maligaya kami na na maghohost tayo ng SEA Games ngayong November 30. W ea are working very hard to support you in terms of sports equipments, your needs, medicines and even your foreign training,” pahayag ni Ramirez.
Sinabi pa ni Ramirez na ang tagumpay ng isang atleta ang siyang nagbubuklod sa mga Filipino sa pagkakaisa, sa kabila ng pagkakaiba ng mga pananaw ng bawat isa.
“Give your best for the country. You are one of the best unifier, equalizer in the midst of many problems of this country. Mahal po namin kayo!” aniya.
Annie Abad