CAMP BADO DANGWA, Benguet – sinunog ng mga awtoridad ang nadiskubreng P70.54 milyong halaga ng tanim na marijuana sa magkakasunod na operasyon sa Kalinga sa nakalipas na tatlong araw.

SINUNOG

Ang naturang operasyon ay isinagawa ng Police Regional Office-Cordillera at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay regional director, Brig. Gen. Ephraim Dickson, nagawa nilang matunton ang 18, 550 metro kuwadradong taniman sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga, sa tulong ng mga concerned citizen, kamakailan.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sa kabila nito, patuloy pa rin aniya ang kanilang kampanya sa mga apektadong barangay sa lalawigan.

Nitong Marso 14, tinatayang aabot din sa P21.5 milyong halaga ng marijuana plants ang nadiskubre ng PDEA sa naturang lugar.

-Rizaldy Comanda