ANG sistemang Multi-Party at Party-list sa Konstitusyon (na ipinilit ni Cory Aquino noong 1987) ang siyang pumapatay sa totoong diwa at pagtatatag ng sana ay malakas na pundasyon ng ating demokrasya. Noong una, akala ng hanay maka-kaliwa na naungasan nila ang ibang malalaking partido dahil nabuksan ang pinto sa pagbubuo ng maraming sectoral party, na siyang magsisilbing lagusan ng kanilang militanteng kaisipan at komunistang rebolusyon.
Ang mga sektor na nakapaloob sa National Democratic Front ay nabihisan ng partida bilang iba’t ibang political party. Siyempre, titindi ang insurhensiya dahil ang mga manggagawa, kabataan, guro, at iba pa, ay mabibiyayaan ng suweldo, “tanggapan” at pork barrel na galing sa pamahalaan. Ang pondong malilikom nila sa pagpapalawig sa giyera ng mga NPA ay sa patnugot ng Communist Party ng Pilipinas.
Mayroong kwento noon tungkol sa isang mapulang congressman na nagpagawa ng poso-tubig sa gitna ng kabundukan sa Quezon Province, kahit walang barangay doon. ‘Yun pala, daanan ng mga NPA iyon para may mainom ang mga itong tubig sa kagubatan. Itong sistema ng multi-party at party-list ang isa sa pinakamalaking kapalpakan sa ating pulitika. Simula nang ito’y mailunsad, bawat pangulong nahahalal ay hindi suportado ng kabuuang Pilipino dahil nga sa maraming kandidato ang sabay-sabay na tumatakbo. Puro tingi-tinging boto ang natatanggap ng bawat presidente dahil pinagpartehan ng mga ito ang kabuuang boto ng lahat na Pilipino, kahit pa ilang milyon ang kalamangan. Kung pagsasamahin nga ang boto ng mga kalaban, mas malaki pa ito sa nagwaging presidente. Mantakin ba naman, lampas 200 ang partido sa bansa sa kasalukuyan, kaya tawag sa pangulo ay “minority president”.
Hindi katulad noong panahon ng Nationalista at Liberal na siguradong lampas kalahati (malinaw na mayorya) ng kabuuang botante ang papanig sa isa sa dalawa lamang na kandidato. Ibig sabihin, malinaw ang mandato ng sambayanan. Partido ngayon tatag para sa sikat at mayaman. Kapus sa pinag-uugatang kasaysayan ng Republika. Ang party-list ay napasukan na rin ng matatalinong pulitiko kaya huwag magreklamo ang mga “kaliwa”. Party-
-Erik Espina