SA tsikahan with some showbiz writers ni re-electionist Senador JV Ejercito ay inurirat ito nang ilang katanungan ni Yours Truly during the Q&A portion or forum.

Tanong ni Yours Truly: “Senador JV, dahil naging Presidente ng Pilipinas ang iyong ama, si Ex-President Joseph ‘Erap’ Estrada, may ambisyon ka rin bang maging presidente ng bansa balang araw?”

“Ay, hindi na. Masaya na ako dito sa pagiging senador. Tahimik na ako, happy na ako, kuntento na ako. Kasi marami naman akong nagagawa,” sabi ng senador.

“Mahirap maging presidente ng bansa natin. Alam mo naman ang mga nakaraang presidente, kundi kinakasuhan, kinukulong. Kaya okay na ako dito sa Senado.

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

“Nagiging trend na, eh. At nagiging cycle na. So okay na ako sa Senado. Mahirap na. Mahirap makasuhan, eh,” ang nangingiti pa niyang pahayag.

Hindi kaila sa amin na hindi sila in good terms ng half-brother niyang si Senador Jinggoy Estrada. Halimbawa bang mag-krus ang kanilang landas, at pareho silang re-electionists bilang senador ngayong 2019 election, sasabihan ba niya si Sen. Jinggoy ng “may the best man win”?

“Well, good luck na lang sa ating lahat. Kasi alam natin na, ‘yung giving the circumstances that two brothers first time in the history natin, medyo mahirap talaga. It’s very evident now na kasi re-electionist ako. Meron din naman mga performance, tapos ako ‘yung naghahabol so nakikita naman talaga na medyo mahirap talaga ‘yung nagkakasabay. Good luck na lang sa aming dalawa.”

Nu’ng nakulong ba si Sen. Jinggoy nasaktan rin ba siya para sa kapatid?

“Well, siyempre, kahit paano kapatid mo ‘yan. Nalungkot ako sa sinapit niya. ‘Di naman mawawala ‘yon,” pag-amin niya.

Kung sabagay, kadugo, kumbaga Sandugo sila ni Sen. Jinggoy lalo pa nga na may kasabihang “blood is thicker than water” kaya swak lang sa kanilang magkapatid ang saying na ito, sa true lang.

Basta sa ngayon ay happy na si Sen. JV dahil naisabatas na ang kanyang isinulong sa Senado regarding sa Universal Health Care na lahat ng Pinoy ay makikinabang, mahirap man o mayaman

-MERCY LEJARDE