Nakubkob ng militar ang dating pinagkukutaan ng Bangsamoro islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao, kamakailan.

KUTA download (10)

Binanggit ni Joint Task Force (JTF) commander, Maj. Gen. Cirilitio Sobejana, nagpapatrulya lamang ang mga tauhan ng 57th Infantry Battalion nang matunton nila ang lugar sa Barangay Magaslong, Datu Piang.

Nasamsam din aniya ng tropa ng pamahalaan ang sangkap ng

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Anti-Personnel Mines, isang rifle scope, medical supplies at iba

pang gamit sa pagpapasabog.

“This is not a victory announcement but a significant progress in the fight against the BIFF and the Daesh-inspired group. We do not want to give them the opportunity to gather and to create fear in the community, but we will sustain our focused military operation to end this amuck in the society,” sabi nito.

Ayon naman kay Lt. Gen. Arnel Dela Vega, hepe ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom), patuloy pang pinapaigting ng militar ang kanilang kampanya sa nabanggit na lugar upang malipol ang mga miyembro ng Abu Sayyaf.

-Mike U. Crismundo