CONGRATULATIONS kay Yasmien Kurdi!

Yasmien

Proud na nag-post si Yasmien sa Instagram ng kanyang graduation picture. Caption niya: “Little girls with dreams become women with vision #Filipina.”

Yes. graduate na nga si Yasmien sa Arellano University with a degree in political science. Nakakahanga na sa kabila ng lagi namang may ginagawang teleserye si Yasmien sa GMA-7, pero naisabay pa niya ang kanyang pag-aaral at naka-graduate na siya in college.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Nag-aaral noon ng nursing si Yasmien nang mag-asawa siya at magkaanak, kaya naisantabi niya ang kanyang studies.

Nang lumaki at nag-aaral na rin ang only child nila ni Rey Soldevilla, ang six-year-old na si Ayesha Zara, itinuloy ni Yasmien ang pag-aaral niya ng political science.

Hindi kami magtataka kung itutuloy ni Yasmien sa pag-aaral ng law ang kanyang degree dahil noon pa man ay laging sinasabi ng aktres na gusto niyang tulungan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na laging exploited ng mga agencies at mga employers na kumukuha sa kanila para magtrabaho abroad.

May isa pang post si Yasmien: “Live life like a butterfly, take a rest but never forget how to fly!”

Napagsasabay-sabay kasi ni Yasmien ang trabaho, studies at bakasyon. Kapag may chance siyang makahingi ng ilang araw na break sa taping, since piloto naman ang asawang si Rey, nagiging bonding nilang mag-asawa ang pagta-travel, at sumasama si Yasmien sa flight ng asawa.

Sa ngayon ay puspusan ang taping ni Yasmien ng Hiram Na Anak, na aantig sa puso ng mga sumusubaybay dahil concerned dito ang pagmamahal ng isang ina sa isang bata, kahit pa hindi niya ito tunay na anak. Katambal ni Yasmien sa seryeang StarStruck batchmate niyang si Dion Ignacio, at napapanood araw-araw, 11:20 ng umaga, bago ang Eat Bulaga.

-NORA V. CALDERON