SINAGOT pero hindi inaway ni Heart Evangelista ang bashers niya na nagkokomento sa pagsama-sama niya sa pangangampanya sa Sorsogon ng asawa niyang si Senator Chiz Escudero.

Heart Evangelista copy

Nag-post kasi si Heart ng mga litrato niya habang nag-iikot sa Sorsogon, kung saan kumakandidatong gobernador si Sen. Chiz under Nationalist People’s Coalition.

Komento ng basher: “Campaign pa more. Lol!”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Yes I enjoy!:) also full support for my husband,” simpleng sagot ni Heart.

May nag-comment na taga-Sorsogon, at tinanong s Heart kung ano raw ba ang nagawa ng mga Escudero sa lalawigan? “Ni fire truck sa barangay, eh wala. Kung meron, jusme napaka-outdated!”

Sagot ni Heart: “Research:) Baka maiyak ka:).”

May post pa si Heart ng picture na nasa palengke siya sa bayan ng Sorsogon sa probinsiya at kinukumusta ang isang tindera ng isda.

Caption niya: “If you know me, you’d know that I love meeting new people. That’s why I enjoy tagging along to my husband’s campaign trips from time to time, because I get to go to different places and talk to different people, exchanging stories and sharing laughs with them. It’s always so nice that I get to do this again and again and again! #MahalKongSorsogon.”

Dito naman may nag-comment: “Sobrang kaplastikan naman Ms Heart ‘yung palengke scene mo. ‘Di makatotohanan ‘yung mga ganung action mo! Ang OA lang... walang sincerity, parang ‘GIMIK LANG!’.”

“You may say what you want:) I am only answerable to God. Life is too short, my dear (if you only knew the battles we all face and how fast our time here on Earth is)... do good and do everything from your heart:) At the end of the day I did my part... I served my purpose. Pray before you post,” sagot ni Heart.

In fairness, hindi naging dahilan ang iilang nagkomento ng negative kay Heart para tumigil siya sa pangangampanya para sa mister niyang si Sen. Chiz. Siguradong babalik pa sa Sorsogon si Heart, kaya abangan ninyo!

-NITZ MIRALLES