BINUKSAN na ang dating athlete’s dining hall ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Rizal Memorial Sports Complex na may bagong pangalan na PSC Nutrition Hall.

Ang naturang kainan paara sa mga atleta ay inaasahang mapagsisilbihan ang nasa limang daang atleta sa pagbubukas nito kahapon.

Pansamantalang isinarado ang mess hall noong nakaraang taon upang maipaayos ng naayon sa pangangailangan ng mga atleta, kung saan humanap pa ng dayuhang chef ang PSC para masubaybayan ang nutrisyon ng mga atleta.

“There were a lot of challenges along the way but this is a promise that PSC Chairman William Ramirez made and made sure to keep,” pahayag ni Sr. Executive Assistant at kasalukuyang National Training Director of the Philippine Sports Institute na si Marc Edward Velasco.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagsaga ng biometrics registration at nutrition assessment ang PSC sa pamumuno ni PSC Nutrition Unit Jane Serapion kung saan ang mga atleta at mga coaches na nasa pangangalaga ng national pool ay bibigyan ng kaukulang pagkain base sa kanilang pangangailangan ayon na rin sa pagsusuri ng mga nutritionists.

Ito ang nakikitang paraan ni PSC chairman Ramirez upang maalagaan ng husto ang mga atleta at makapag-uwi ng gintong medalya buhat sa mga international competition.

“President Rodrigo Duterte, told me to make sure that the athletes have their proper nutrition. So this is it. i am just doing what the President want. He wants to make the athletes healthy and nourished so eto ‘yun,” pahayag naman ni Ramirez.

Bukod sa libreng pagkain na ibibigay sa mga atleta sa almusal, tanghalian at hapunan, kasama na ang meryenda, may kaukulang limang libong meal allowance pa rin na natatanggap ang mga atleta.

“Hindi na namin tinanggal ‘yung 5000 peso meal allowance nila. So they can also eat what they want, bukod dito sa Nutrition Hall na pwede din silang kumain,” dagdag pa ni Ramirez.

Bukas ang nasabing kainan buhat alas-6 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi mula Lunes hanggang Sabado.

-Annie Abad