LITERAL na celebrity screening ang premiere night ng pelikulang Kuya Wes ni Ogie Alcasid kasama sina Ina Raymundo, Moi Bien, Alex Media at marami pang iba na produced ng Spring Films, A-Team at Awkward Penguin na idinirek ni James Robin Mayo at kasalukuyang palabas ngayon sa mga sinehan.

Piolo, Direk Joyce at cast ng 'Kuya Wes'

Kapag maraming kaibigan sa showbiz at maganda ang pakisama mo ay siguradong maraming celebrities ang susuporta sa project mo. Magandang halimbawa nga itong Kuya Wes ni Ogie na kilalang mahusay makisama sa industriya.

Ang mga nakita naming dumating sa Kuya Wes screening ay sina Direk Dondon Santos, John Prats, Dave Lamar, Kyla at asawang si Rich Alvarez, Yeng Constantino with husband Yan Asuncion, Alex Diaz, R&B singer Jay R, Empoy, Kean Cipriano and his band, Erik Santos, Sam Milby, Mark Oblea, Kit Thompson, mag-asawang Richard at Maricar Poon, Tirso Cruz and wife Lyn Cruz, Karla Estrada, Ina Raymundo, habang sabay namang dumating sina Ogie at Moi at ang dalawang Spring Films producer na sina Binibining Joyce Bernal at Piolo Pascual.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Busog ang mga mata ng fans na nakahilera sa gilid ng red carpet dahil sa rami ng celebrities kaya kaliwa’t kanang selfie ang ginawa.

Panalo ang feedback ng Kuya Wes dahil maraming naka-relate sa mga karakter na ginampanan nina Ogie, Moi at Ina kaya naman nakakuha ito ng grade A sa Cinema Evaluation Board at PG naman ang ibinigay ng MTRCB.

-Reggee Bonoan