MATUTUWA nito ang fans ng love team nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal dahil balik-tambalan sila sa pelikula. Nag-post ang dalawa ng litrato na kuha sa meeting nila sa Sumosam Shangri-La Plaza EDSA.

Marvin at Jolina

Post ni Marvin: “Such a beautiful day! Thank you sa mga kasama kong nagdadasal matuloy ‘to. Ang pangako ko sayo labtim at mga #MarJo babies! Salamat @danvillegas and @tonetjadaone. Ngayon ipagdasal natin na pumasok sa #MMFF2019 #MarJoComebackMovie2019.”

Sabi naman ni Jolina sa kanyang post: “Oh yes totoo na ito! Ituloy na natin labtim @marvinagustin #mmff2019.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Kasama nina Marvin at Jolina sina directors Dan Villegas at Tonet Jadaone at si Bibeth Orteza. Hindi nabanggit kung sino kina Dan at Tonet ang magdidirehe ng pelikula na ang producer ay Project 8 Corner San Joaquin nina Direk Dan at Tonet. Si Bibeth kaya ang susulat ng script?

Hindi pa rin malinaw kung ano ang title ng reunion movie nina Marvin at Jolina, pero may nabanggit si Direk Dan na “Bujoy and Ned” at “Laging Tapat.” Ang dating sa amin ng una ay magiging pangalan nina Marvin at Jolina sa movie.

Hindi rin kami sigurado kung Laging Tapat ang title, kaya ang mas mabuti ay mag-abang na lang tayo ng announcement.

Sa ngayon, napapanood si Marvin sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Inagaw na Bituin habang si Jolina ay tuloy ang pagho-host sa Magandang Buhay ng ABS-CBN.

Nitz Miralles