KAHIT hindi ang anak niyang si Daniel Padilla ang pinagkakaguluhan ng fans ngayong makakatambal ni Kathryn Bernardo para sa isang pelikula, all out pa rin ang suporta ni Karla Estrada sa girlfriend ng anak.

Charo at Daniel

“All out support for bernardokath and @ aldenrichards02 movie this year!!! Mabuhay ang Pelikulang Pilipino! Isa na namang obra ito. #exciting,” tweet ni Karla na ikinatuwa ng mga nakabasa.

Dahil dito ay nagpasalamat sa kanya ang fans ni Alden Richards a t nangakong susuporta rin sila sa pelikula ni Daniel. Kaya lang, parang malabo ang request ng fans na mag-guest si Alden sa Magandang Buhay na isa si Karla sa host ‘pag promo na ng movie nina Kathryn at Alden.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Siyempre, nagpasalamat sa suporta ni Karla ang fans nina Kathryn at Daniel at ang wish nila, sana ay muling pagtambalin ang real life lovers. Sa ngayon ay hiwalay muna sila dahil kung si Kathryn ay kay Alden ipinareha, si Daniel naman ay si Ms. Charo Santos-Concio ang makakasama sa bagong pelikula.

Nitz Miralles