MINSAN pang napatunayan na it pays to play a contravida role.

Kyline copy

Magandang halimbawa si Kyline Alcantara, na umangat ang career mula sa pagiging kontrabida. Nanalo pa nga siya ng acting award as Best Supporting Actress para sa Kambal Karibal sa ASEAN Academy Creative Awards sa Singapore.

Bago ito, matatandaang na-bash nang husto si Kyline nang inakusahang nang-agaw ng ka-love team, nang madawit siya sa issue between Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Iniyakan ito nang husto ni Kyline, hanggang sa lumabas ang katotohanan.

Sa ngayon, si Manolo Pedrosa ang ka-love team niya. Ayon kay Kyline, they are on the stage of getting to know each other better.

Ang mahalaga para sa aktres ay ang manatiling matagumpay ang teleserye nilang Inagaw na Bituin, sa GMA 7’s Afternoon Primetime

-REMY UMEREZ