CAMP GEN. PANTALEON GARCIA, IMUS, Cavite – Sinibak sa puwesto ang mga pulis na nahuling natutulog sa kanilang duty sa isinagawang surprise inspection sa Bacao, General Trias City Police Community Precinct at Rosario Police Station, kamakailan.

SIBAK download (7)

Ayon kay Cavite Police Provincial Office director, Col. William Segun, bukod sa pagkakasibak ay kakasuhan din ang mga ito ng

neglect of duty.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ipatatawag din nito ang mga opisyal ng mga ito kaugnay ng insidente.

"They (sleeping officers) were relieved from their posts and placed at the Provincial Holding Administration Unit (PHAU) then pre-charged investigation would be conducted before they are penalized," sabi nito.

Hindi na muna ibinigay ni Segun ang pagkakakilanlan ng mga sangkot na pulis habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon laban sa kanila.

Tumanggi rin itong ibunyag ang kabuuang bilang ng mga tinukoy na pulis. Gayunman, binanggit sa unang report na hindi bababa ng anim ang mga ito.

Inatasan na aniya ang mga ito na magsumite sa kanya ng written explanation kaugnay ng insidente.

Matatandang nahuli na ring natutulog sa kanilang duty ang mga

pulis ng Bacoor-Panapaan-Longos Precinct sa Bacoor City at Imus-Daanghari Road outpost sa Imus City, noong Hunyo ng nakaraang taon.

-Anthony Giron