IPINAGDIWANG ng Philippine Skating Union (PHSU) ang Ice Skating Day  bilang pagpupugay sa matagumpay na kampanya ng Pinoy ice skaters nitong Linggo sa Ice Skating Rink sa SM Megamall sa Mandaluyong City.

IPINAKILALA nina Philippine Skating Union (PHSU) president Josie Veguillar (kanan) at Sports Director Pico Martin (kaliwa) ang mga miyembro ng National Figure Skating Team na isasabak sa international competition, kabilang ang 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre sa Manila.

IPINAKILALA nina Philippine Skating Union (PHSU) president Josie Veguillar (kanan) at Sports Director Pico Martin (kaliwa) ang mga miyembro ng National Figure Skating Team na isasabak sa international competition, kabilang ang 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre sa Manila.

Sa naturang programa, ipinakilala rin ng PHSU, sa pangunguna nina president Josie Veguillas at sports director Christopher ‘Pico’ Martin ang mga atleta na bubuo sa National Team, kasabay ang pagpapahayag na nagkaloob ng suporta sa koponan ang Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

 “I really don’t know yet because this will be our first time asking the PSC/ POC for support. Ice skating is really expensive. At least it can help a little to offset the expense of the skaters,” pahayag ni Veguillas.

Iginiit naman ni Martin na anumang ayuda mula sa pamahalaan ay tapik sa balikat para sa ice skating.

 “With the partnership with the POC and POS, kelangan natin magkaron ng dedicated coach sa team. Kung masyadong mahal, siguro mas maganda din na magkaron tayo ng proper training sa mga bansang nag e-excel sa sport na ito like Korea, Canada and ibang mga bansa sa Europe,” sambit ni Martin.

Narito ng kompletong line-up ng National Tea sa speed ice skating at figure skating:

Senior Men: Edrian Paul Celestino, Christopher Caluza, Yamato Rowe

Senior Ladies:  Cirinia Gillett, Louwee Shibata

Junior Ladies:  Sofia Isabel Victoria Guidote, Diane Gabrielle Panlilio, Ske Frances Patenia

Advanced Novice Girls:  Amanda Sophie Hernandez, Hayden Isabel Balucating, Shaniah Yu

Intermediate Novice Boys:  Brando Baldoz,

Intermediate Novice Girls:  Kate Orrock, Veronica Claire Eid, Sofia Aira Cu

Basic Novice Girls: Felicity Cristoble Eco, Ann Cathryn Lagemann, Hosanna Immanuele Valdez.

Pre-Novice Girls:  Celine Isabelle Tansipek, Arielle Pascual, Czerrine Ramos.

Juvenile Girls: Hannela Reine Vicera

-Brian Yalung