“Alam na ng lahat na anak ka ni Rodrigo. Dapat malaman ng tao na anak ka din ni Elizabeth.”

SARA

Ito ang mensahe ni Elizabeth Zimmerman sa anak na si Davao City Mayor Sara Duterte, sa gitna ng pakikipagsagutan ng huli kay Vice President Leni Robredo kaugnay ng usapin ng “honesty” ngayong panahon ng eleksiyon.

Kaagad namang tumalima sa ina ang chairperson ng Hugpong ng Pagbabago, na tulad ng kanyang amang si Pangulong Duterte ay prangka rin sa pagbuwelta sa kanyang mga kritiko.

National

Banknotes na may nakaimprentang ‘bayani,’ mananatili sa sirkulasyon – BSP

Nabatid na tinawagan sa telepono ni Zimmerman ang nag-iisang anak na babae ilang sandali makaraang makaharap ng alkalde si Lipa City, Batangas Mayor Meynardo Sabili, maybahay nitong si Bernadette Sabili, at nasa 10,000 katao na dumalo sa senatorial campaign sortie ng partido sa siyudad.

Sinabi ni Mayor Duterte sa mga mamamahayag na sinabihan siya ng kanyang ina na tigilan na ang pakikipagsagutan kay Robredo at huwag umaktong “bully”.

“Sinabi rin niya na I should be kind first before anything else,” sabi ni Duterte.

“So pack-up na si Inday Sara show. So, sarado na po siya,” anang alkalde.

Ilang minuto bago tawagan ni Zimmerman, inakusahan ng mayor ang Bise Presidente ng pagkukubli sa likod ng “Robredo Camp” sa pagsagot sa mga resbak niya.

“A reminder to Leni Robredo: Kapag umatake ka, at sinagot ka ng inatake mo to question your authority to speak on integrity and honesty, do not retreat behind a ‘Robredo Camp’ to answer for you and the argument you started,” sabi ni Mayor Duterte.

“It says a lot about your fake courage,” dagdag pa.

May posibilidad na magharap sa presidential elections sa 2022, nagpapalitan ng sagot ang mga kampo nina Robredo at Mayor Duterte makaraang ipagkibit-balikat lang ng huli ang sinasabing pagsisinungaling umano ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos—isa sa mga kandidato ng HNP—tungkol sa school records nito.

Ayon sa presidential daughter, hindi maaaring bigyang-bigat ang katapatan ng isang kandidato dahil “everybody lies”.

-Ben R. Rosario