YESSS! Totoong inaabangan ng madlang pipol gabi-gabi ang bagong love team sa mundo ng teleserye, ang LuNay nina Jo Berry (Onay) at Wendell Ramos (Lucas) sa Onanay.

Jo at Wendell

May kilig factor daw kasi ang dalawa, bukod pa sa nabigyan ng pag-asa ang mga small people na pupuwede silang mahalin ng mga may karaniwang tangkad.

As in swak sa saying na when real love strikes your heart…looks and height do not matter indeed.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pinag-uusapan ngayon ang tambalan nina Jo at Wendell sa top-rating GMA Telebabad series na Onanay. Kilig na kilig ang netizens nang aminin ni Lucas ang kanyang tunay na nararamdaman para kay Onay.

Pati si Onay, nag-confess na rin ng kanyang pagmamahal kay Lucas, ngunit hindi ito sapat upang tanggapin niya ang marriage proposal ng ama ng isa sa kanyang mga anak.

Kaya naman napagdesisyunan ni Lucas na magpakalayu-layo muna at nag-iwan na lang ng sulat para kay Onay.

Magbabago kaya ang isip ni Onay at tatanggapin ang alok na kasal ng lalaking minamahal?

Abangan ‘yan sa pagtatapos next week ng Onanay. Pero maraming madlang pipol ang umaapela na sana raw ay huwag munang mag-end ang sinusubaybayan nilang serye coz marami daw ang nakaka-relate sa pag-iibigan ng LuNay.

Yeah, how about that GMA7 executives? Pagbigyan n’yo na ang requests ng madlang pipol, please. Yun na!

-MERCY LEJARDE