Ginapi ng South All-Stars ang North All-Stars, 109-84, nitong Linggo sa kauna-unahang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) All-Star Game sa MOA Arebna.
Hataw si Jeff Viernes sa naiskor na 19 puntos para pangunahan ang South All-Stars sa larong inabot ng buong magdamag. Nakatakda ang All-Star Weekend Sabado ng hapon, ngunit sa dami ng exhibition match, inabot ng madaling araw ng Linggo ang main game na natapos ganap na 1:17 ng umaga.
Sa kabila ng pagpupuyat, naiuwi ng South All-Stars ang premyong P500,000.
Tinanghal na MVP si Viernes, pambato ng Batangas City Athletics, umiskor ng 14 puntos sa mainit na ratsada ng South sa third period upang tuluyang iwan ang karibal sa double digits na bentahe.
Nag-ambag si Gab Banal ng Bacoor Strikers ng 11 puntos at 10 rebounds, habang tumipa sina Jaymo Eguilos ng Batangas City at Reed Juntilla ng Zamboanga ng tig-11 puntos.
Kumana naman ang actor na si Gerald Anderson ng Marikina ng siyam na puntos, tampok ang dalawang buzzer-beating three-pointer.
Nanguna sa North sina Chris Bitoon ng Manila na may 11 puntos, Mike Ayonayon ng San Juan at Jay Collado ng Quezon City na may tig-10 puntos.
Iskor:
South (109) – Viernes 19, Banal 11, Eguilos 11, Juntilla 11, Yee 10, Anderson 9, Mabulac 8, Mangahas 7, Najorda 6, Cabahug 5, Tangkay 5, Balagtas 3, Masaglang 2, Melencio 2, Castro 0.
North (84) – Bitoon 11, Ayon Ayon 10, Collado 10, Ablaza 8, Rodriguez 8, Hubalde 7, Abrigo 6, Hernandez 6, David 5, Dionisio 4, Gomez 4, Belencion 3, Andaya 2, Taganas 0, Vosotros 0.
Quarterscores: 21-21; 41-44; 79-64; 109-84.
TINANGHAL na slam dunk king si David Carlos ng Makati Super Crunch sa ginanap na MPBL All-Star Slam Dunk contest nitong Sabado sa MOA Arena.
Pinahanga ni Carlos ang manonood sa reverse dunk para gapiin si Carlo Escalambre ng Imus Bandera, King Destacamento ng Bacoor Strikers, at Christopher Menquez ng Paranaque Patriots. Naiuwi niya ang P20,000.
Nanguna si Carlos matapos ang eliminations tangan ang 93 puntos.
Sa three-point shootout, nangibabaw si one-time PBA MVP Gary David ng Bataan Risers.
Naitala ng 40-anyos na si David ang 23 puntos sa final para higitang ang mga karibal na sina John Wilson ng San Juan Knights (17), Chris Bitoon ng Manila Stars (16), James Martinez ng Bulacan Kuyas (16), at GJ Ylagan ng Muntinlupa Cagers (13).
Ito ang unang korona sa naturang event para kay David, dating Gilas at 13-year player sa PBA. Tumabla lamang siya kay Ylagan sa No.4 spot sa elimination round sa naiskor na 18 puntos.
Nanguna si Martinez na may 23, kasunod sina Bitoon (20) at Wilson (19).
Sa side event na two-ball competition, nanmgibabaw ang tambalan nina Bataan Risers Pamboy Raymundo at Byron Villarias.
Tinapos nina Raymundo at Villarias ang challenging course sa
NATAGPUANG muli ng Ateneo de Manila University ang kanilang winning ways matapos walisin ang University of the East, 25-22, 25-19, 25-11, kahapon sa men’s division ng UAAP Season 81 Volleyball Tournament sa Araneta Coliseum.
Pinangunahan ni Tony Koyfman ang pagbangon mula sa natamong dalawang dikit na kabiguan sa itinalang 13 puntos.
Dahil sa panalo, umangat sila sa patas na may markang 2-2, kapantay ng University of Santo Tomas.
Dinomina ng Blue Eagles ang Red Warriors sa opensa, 40-25 sa hits, 9-2 sa blocks at 4-1 sa service aces.
Ang kabiguan ang ikatlong sunod ng Red Warriors matapos magwagi sa una nilang laban na nagtabla sa kanila sa De La Salle.
Pinangunahan ni Noel Alba at Clifford Inoferio ang kanilang losing cause sa ipinoste nilang tig-6 puntos.
Sa isa pang laro, winalis ng defending champion National University ang dating kasalong Adamson, 25-20, 25-18, 25-16 upang masolo ang ikalawang posisyon.
Humataw ng 19 hits at 5 blocks si Bryan Bagunas upang pamunuan ang nasabing panalo na nag-angat sa kanila sa marlang 4-1, panalo-talo kasunod ng di pa natatalong Far Eastern University (4-0).
Sanhi ng kabiguan, bumagsak ang Falcons sa barahang 3-2.
Nalimitahan ng maigting na depensa ng Bulldogs ang mga top hitters ng Falcons na sina Paolo Pablico at Leo Miranda sa pinagsamang 12 puntos.
-Marivic Awitan