Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang Chinese at dalawang Pinoy habang nasagip ang 16 na babae, kabilang ang 11 menor de edad, na umano’y biktima ng prostitusyon sa condominium unit sa Makati City, nitong Miyerkules.

CHI-FIL copy

Nasa kustodiya ng NBI headquarters sa United Nations, Maynila at iniimbestigahan ang hindi pa pinapangalanang mga Chinese, na sinasabing may-ari ng condo unit, at mga Pilipino na umano’y sex exploitation operators.

Nasa pangangalaga naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 16 na babae, na isasailalim sa counseling.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Sa ulat ni Janet Francisco, hepe ng Anti-Trafficking Division ng NBI, sinalakay ng kanyang mga tauhan ang isang condo unit sa Makati City, dakong 11:00 ng gabi.

Unang nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad na pino-post sa group chat sa social media ang larawan ng mga biktima para pagpilian ng mga parokyanong Chinese, na nakabase sa Metro Manila, sa halagang P3,000 bawat isa na kapalit ng "panandaliang aliw".

Dahil dito, sinalakay ng NBI ang unit at inaresto ang mga suspek at nasagip ang mga biktima.

Inihahanda na ang patung-patong na kaso laban sa mga suspek.

-Bella Gamotea