NAGING masigla ang Caltex, itinataguyod ng Chevron Philippines Inc. (CPI), sa aspeto ng retail business sa pagtatapos ng taong 2018.

Sa patuloy na arangkada para sa mga bagong fuel stations sa bansa, lumagpas na sa 600 ang gasolinahan ng Caltex.

Kabuuang 29 bagong service station ang naipatayo ng CPI sa taong 2018 para sa mataas na averaged na dalawang station kada buwan. Kipkip ang layunin na mapaglingkuran ang masang Pinoy at maibigay ang mababang halaga ngunit may mataas na kalidad ng serbisyo at produkto, itinayo ang mga bagong fuel stations sa mga lalawigan at lungsod sa bansa na nagsisimulang umabante ang komunidad, partikular sa Southern at Northern Luzon, Palawan sa Visayas at Cagayan de Oro sa Mindanao.

Sa abot kayang halaga, nakukuha ng consumers ang mataas na kalidad na Euro 4-compliant fuels. At sa mahigit na 100 station sa iba’t ibang panig ng bansa, makasisiguro rin na mabibigyan ng serbisyo at iba pang pangangailan ang consumers sa itinayong 7-Eleven convenience store sa mga fuel stations.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa kabila ng pabago-bagong presyo ng langis sa international market at ang pagtalima sa bagong Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, nanatiling abot-kaya ang presyo ng gasoline sa Caltex at patuloy ang pagbibigay ng diskwento sa sektor ng transportasyon at pagsuporta sa Pantawid Pasada program ng Department of Energy.

“This steady growth in our retail expansion efforts across the country is a testament to our determination to rise above the challenges and to bring high-quality, Euro 4-compliant fuels to more Filipinos. We have also managed to cater to motorists’ other needs by giving priority to convenience shops and tying up with non-fuel brands to offer more goods and services as part of our value proposal,” pahayag ni CPI Country Chairman Louie Zhang.