NEW YORK (AP) — Naglabas ang British lawmakers ng scathing report nitong Lunes na inaakusahan ang Facebook ng sadyang paglabag sa privacy at anti-competition laws sa U.K., at nanawagan ng mas malawak na pagbabantay sa social media companies.

Ang ulat sa fake news at disinformation sa social media sites ay kasunod ng 18- buwang imbestigasyon. Sinabi ng parliamentary committee na naghanda ng ulat na dapat sumunod ang social media sites sa mandatory code of ethics na pinamamahalaan ng independent regulator para mas magiging maayos ang pagkontrol sa mapinsala o illegal content.

Partikular na binanggit ng ulat ang Facebook, sinabi na ang structure ng site ay tila dinisenyo “[to] conceal knowledge of and responsibility for specific decisions.”

“It is evident that Facebook intentionally and knowingly violated both data privacy and anti-competition laws,” saad sa ulat. Inakusahan din nito sa CEO Mark Zuckerberg ng pagpapakita ng contempt sa U.K. Parliament sa ilang beses na pagtanggi sa mga imbitasyon na humarap sa komite.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Wala pang sagot ang Facebook