Patay ang isang umano’y kaanib ng komunistang New People’s Army (NPA) matapos makipagbakbakan ang grupo nito sa tropa ng pamahalaan sa Masbate, nitong Linggo ng umaga.

ENGKUWENTRO

Sa panayam, sinabi ni 9th Infantry Division (ID) Spokesman, Capt. Joash Pramis na hindi pa rin nila nakuha ang pagkakakilanlan ng nasawing rebelde.

Ang pagkakapaslang aniya sa nasabing rebelde ay resulta ng sagupaan sa pagitan ng mga tauhan ng 2nd Infantry Battalion (IB) at ng grupo ng mga komunista sa Barangay San Antonio, Milagros, Masbate, dakong 6:30 ng umaga.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Narekober ng militar sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang M14 armalite rifle,isang M653, dalawang improvised explosive device (IEDs) at mga subersibong dokumento.

-Francis T. Wakefield