NAGBABALIK si Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa New York Fashion Week.

Catriona

Dinaluhan ng 25-anyos na beauty queen ang Sherri Hill Spring 2019 show, ngayon bilang Miss Universe at guest.

Hindi rumampa sa runway ang beauty queen, ngunit mismong si Sherri Hill ang nag-post sa Instagram ng larawan ni Catriona na nakasuot ng black dress at may caption, “Flawless as always.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Excited din na nagkuwento si Cat sa kanyang Instagram at ipinost ang katulad na larawan.

“Feels so special to be at a @sherrihill NYFW show, not walking as a Ms. Philippines but attending as @missuniverse,” pahayag ni Catriona.

Sa hiwalay na post, dazzling in a pink dress naman si Cat sa pagdalo niya sa NYFW panel discussion hinggil sa inclusivity at representation ng fashion industry.

Una nang rumampa para sa Sherri hill si Catriona sa NYFW noong Setyembre nang nakaraang taon.

Nakatakdang bumalik sa bansa ang 2019 Miss Universe ngayong Pebrero 20.

-CARLO ANOLIN