Guest kung sino ang nag-guest sa Gandang Gabi Vice--ang Pambansang Photobomber lang naman, si dating SAP Bong Go.

Vice Ganda

Vice Ganda

Panahon na naman ng eleksyon at talagang puspusan na ang pagpapakilala ng mga pulitiko sa taong bayan. Marami sa kanila ang nakikitang lumalabas sa telebisyon, kung hindi sa political ads, ay sa iba’t ibang programa.

Kaya naman marami rin ang natuwang netizens nang lumabas ang dating Special Assistant to the President na si Bong Go sa Gandang Gabi Vice.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pinuri ito ni Mery Grace dahil sa good vibes na dala. “Good vibes, Sap Bong Go!,” aniya.

‘Yung iba naman, tulad ni Cee Cee Vestidas, ay natuwa dahil sa pag-guest sa programa ng isang malapit sa Presidente.

“Eto ‘yung maganda kay Vice, malawak ‘yung pananaw niya sa ganitong usapin,” sabi ni Cee Cee.

“Hihintayin ko ‘to, tulad ng paghihintay ko sa kanya," sabi naman ni RM De Guzman Tolentino, tungkol pa rin sa GGV.

Nagpahayag naman ng pagkasabik ang ilan sa episode.

“Wow, papanoorin ko ito,” sabi ni Dennis Maralang.

Sa darating naman na Sabado (Pebrero 9), mas makikilala natin si Bong Go sa pagsasadula ng kanyang kuwento. Matutunghayan natin si Joseph Marco sa pagtatampok ng buhay ni Bong Go.

Samantala, sa kabila ay gaganap si Glydel Mercado bilang Senator Cynthia Villar sa Magpakailanman.

Para sa akin naman, mas makikilala natin sila kung maipapakita nila ang kani-kanilang mga pinagdaanan sa buhay. Kilala ang dalawang programa sa pagtatampok ng mga buhay na makukulay at nakaka-inspire, kaya sure akong may mapupulot sa kanilang mga kuwento.

Hindi ba mas nakilala natin sina Senator Miriam Santiago, ang ating VP na si Leni Robredo, pati na si Sen. Alan Peter Cayetano nang itampok sa MMK ang kanilang kuwento?

Sa Magpakailanman naman, maaalalang isinadula ang buhay ni Senator Juan Flavier at nang naging mayor ng Parañaque na si Joey Marquez.

Tutok na lang mga Kapuso at Kapamilya bukas. Panoorin n’yo kung sino ang mas gusto ninyong makilala. Kung alin ang aabangan ko, sa akin na lang ito.

Charrrr! 

Mercy Lejarde