MARAMI ang nagsasabing para maituring na fulfilled and has lived a full life ang isang babae ay kailangan niyang manganak, magtanim ng puno, at gumawa ng aklat.

Boots copy

Ang unang dalawang bagay ay nagawa na ng batikang aktres na si Boots Anson Rodrigo. Apat ang naging anak nila ng yumaong asawang si Pete Roa.

At sa pagpunta nila sa kanilang vacation house sa Tagaytay recently ay nagtanim ng puno ng atis si Boots.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

A few days ago ay ipinagdiwang ni Boots ang kanyang 74th birthday at tulad ni Ms. Gloria Romero ay ipinagmamalaki niya ang kanyang edad. Kung pagmamasdan si Boots, she doesn’t look her age. Wari’y natagpuan niya ang fountain of youth.

Isang intimate party ang idinaos sa Club Filipino sa Greenhills na pawang mga mahal sa buhay at malalapit na kaibigan ang inimbita ni Boots. Siyempre naging punong abala ang kanyang mister na si Atty. King Rodrigo who turned 80 last June.

Sa January 30, 2020 ay 75 years old na si Boots, at dito na niya isusulat ang isang aklat upang ibahagi ang kanyang matagumpay na journey sa loob at labas ng showbiz.

-Remy Umerez