IPINAHAYAG ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William "Butch" Ramirez ang kahandaan na makipagpulong sa iba't ibang ahensiya ng pamahalaan upang pagtibayin ang kanilang paghahanda at pagbabalangkas sa mga programa para sa gaganaping 30th Southeast Asian Games Games (SEAG) sa Nobyembre.
Alinsunod sa Memorandum Circular #56 na buhat sa Office of the Presaident na nagsasaad ng kautusan kabilang na ang paggamit ng pondo ng gobyerno lalo na para sa darating na biennial meet, malaki ang kontribusyon ng bawat sangay ng gobyerno para masiguro ang tagumpay ng biennial meet na gaganapin sa bansa s aikaapat na pagkakataon.
“Being the government’s sports agency, we are expected to take lead in coordinating with other government agencies being referred to in the circular,” pahayag ni Ramirez.
Nakasaad din sa nasabing MC 56 na ang lahat ng departamento, kagawaran o ahensiya ng gobyerno ay magbibigay ng buong suporta para sa nasabing hosting ng bansa.
Partikular sa mga tanggapan kung kanino makikipagpulong si Ramirez upang talakayin ang isyu sa seguridad at pasilidad, waste management, traffic management, health security measures, at ang budget.
Una nang nakipag-ugnayan ang PSC sa iba't ibang ahnesiya bago pa man mailabas ang MC ngunit mas kinakailangan na itong maisakatuparan ngayon nga na naipalabas na ang nasabing direktiba.
“PSC staff have been working with PHISGOC (Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee) to guide them on certain matters, especially with the responsibility of managing the budget falling on our lap,” pahayag ng PSC chief.
Sinabi pa ni Ramirez, na iingatan nila ang pamamahala sa paggamit ng pondo para sa SEAG hosting ng bansa upang hindi magamit sa mali ang nasabing pondo na nagkakahalaga ng P7.5 bilyong piso.
Si Ramirez, kasama sina Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas at si dating Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang co-chairmen ng PHISGOC na binuo para sa biennial meet.
Kabuuang 56 sports ang lalaruin sa SEAG batay sa pahayag ng PHISGOC.
-ANNIE ABAD