Tiniyak ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na makakarating sa Marawi siege victims ang karagdagang relief goods mula sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Ayon kay NCMF Secretary Saidamen Pangarungan, nagpaabiso na si KSA Ambassador to the Philippine Abdullah bin Nasser Al- Bussairy na magpapabot ng tulong at relief operations ang Saudi Government para sa mga biktima ng giyera sa Marawi City.

Inaasahang darating sa bansa sa mga susunod na buwan ang nabanggit na ayuda na tinatayang aabot sa limang milyong dolyar.

Nagboluntaryo na aniya ang NCMF na makikipagkoordinasyon sila sa mga kinauukulan para sa distribusyon ng relief goods upang matiyak na mapupunta ito sa tamang benepisyaryo.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Matatandang ilang opisyal ng DSWD, isang Kongresista sa Second District ng Cotabato at iba pa ang kinasuhan sa Ombudsman dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng family food packs para sa mga biktima ng karahasan sa naturang lungsod noong 2017.

-Beth Camia