BORACAY ISLAND, Aklan - Posibleng umabot sa mahigit P20 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog na sumiklab sa isla ng Boracay sa Malay nitong Linggo ng tanghali.

Ayon kay SFO1 Ricky Domingo, hepe ng Intelligence and Investigation Section ng Aklan-Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa 27 establisimyento ang natupok.

Lima naman ang naitalang sugatan sa insidente, base sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Sa 27 establisimyentong natupok, tatlo sa mga ito ang naabot, habang 24 naman ang partially burned.

Probinsya

Tricycle driver na nagselos at sinabihang maliit ang ari, sinaksak sekyu na pinagselosan!

Ayon kay Domingo, patuloy pa ang imbestigasyon ng Aklan BFP sa pinagmulan ng sunog.

-Jun N. Aguirre