PORMAL nang sinimulan ang one year count down para sa hosting ng bansa ng ika-10 ASEAN Para Games na magaganap sa Enero 2020.

Pinasinayaan mismo ng Pangulo ng ASEAN Para Sports Federation na si Major General, Osoth Bhavilai ng Thailand at ni Philippine Paralympic president Michael Barredo ang nasabing countdown, kasama ng ilang opisyales ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC).

Ayon kay Barredo, mahalaga ang nasabing pagtatanghal na ito ng ASEAN Para Games na may temang We win as One, upang maipakita sa mga Paraathletes na sila ay bahagi sa pinagmamalaking galing ng bansa.

“Importante sa ating bansa or in nation building is inclusiveness. Kumbaga, even people with disabilities can participate, can compete in the international level of sports,” pahayag ni Barredo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bukod sa kanila, dumating din ang mga pambatong Paralympics athletes ng bansa na sina gold medalists Adeline Dumapong-Ancheta at si Ernie Gawilan upang makibahagi sa pagsisimula ng nasabing countdown.

Si Dumapong Ancheta ang kauna unahang Filipina na nakapag uwi ng medalya buhat sa Paralympic Powerlifting habang si Gawilan naman ay ang naging pambato ng bansa 2016 Summer Paralympics na ginanap sa Brazil at kauna unahang Pinoy na nag-uwi ng gintong medalya sa Asian Paragames na ginanap noong nakaraang taon sa Indonesia.

Ikinasiya ng dalawang atleta ang nalalapit na hosting ng bansa bunsod na rin ng buong suporta na kanilang natatanggap buhat sa mga opisyales.

“Napakagandang panahon talaga ito. Year round may suporta sila. And full support din para sa equipments,” pahayag g 45-anyos na si Ancheta.

“Yung pakiramadam magaan ba tapos masigla dahil ‘yun nga dito gaganapin sa atin. Dapat siguro dagdagan pa natin yung pasikat natin na kumpiyansa na mananalo pa rin tayo,” pahayaga naman ng 27-anyos Parswimmer na si Gawilan.

Aabot sa 14 na sports ang nakatakdang laruin sa nasabing event sa 2020 kung saan tampok ang paboritong athletics at swimming events na lalahokan naman ng mga kapit bahay na nasyon sa Southeast Asia.

-Annie Abad