Magpapatupad ng road closure at traffic rerouting ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) bukas, Enero 27, sa Maynila upang bigyang-daan ang “commemoration ride” para sa mga bayaning SAF 44.

Roxas Boulevard (MB, file)

Roxas Boulevard (MB, file)

Sa abiso ng MDTEU, nabatid na isasara ang southbound lane ng Roxas Boulevard, mula sa Katigbak Street hanggang P. Ocampo.

Dahil dito, pinayuhan ang mga manggagaling sa Bonifacio Drive at gagamit sa southbound lane ng Roxas Boulevard na kumaliwa sa Burgos Avenue, habang ang mga manggagaling sa Jones, McArthur, at Quezon Bridges na dadaan sa kaparehong lane sa Roxas Blvd. ay pinadidiretso na sa Taft Avenue.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, ang mga sasakyan namang papunta sa westbound ng P. Burgos ay pinakakanan sa Bonifacio Drive, saka mag-U-turn sa eastbound ng P. Burgos.

Ang mga dadaan naman sa T.M. Kalaw papuntang Roxas Blvd. ay pinakakaliwa sa MH Del Pilar, o maaari ring gamitin ang service road ng Roxas Blvd., habang ang mga dadaan sa UN Avenue papuntang Roxas ay pinakakaliwa sa M.H. Del Pilar, o puwede rin sa Roxas Blvd. service road.

Ang mga dadaan naman sa westbound lane ng Pres. Quirino Avenue at dadaan sa Roxas southbound ay dapat kumaliwa sa Adriatico, samantalang ang papunta sa P. Ocampo westbound at dadaan sa southbound ng Roxas Boulevard ay pinakakaliwa sa F.B. Harrison.

Ang mga papunta naman sa Manila Ocean Park, H20 Hotel, at Manila Hotel ay dapat na dumaan sa Katigbak Drive.

Mary Ann Santiago