MAY bagong pelikulang tatampukan si Tony Labrusca, at mismong si Direk Joey Reyes ang nagbigay ng katiyakan na may “work permit” ang aktor.

Tony & Direk Joey copy

Sa post niya nitong Lunes ng litrato nila ni Tony, sinagot ni Direk Joey ang tanong ng netizen: “’Di ba he (Tony) entered the Philippines under tourist visa, nakakuha na ba siya ng working visa to allow him to work?”

May isa pang nagtanong: “May working visa na siya?”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sagot ni Direk Joey: “Yes, he has acquired the work permit. Otherwise he would not be on the set.”

Ang project na tinutukoy nin Direk Joey ay ang Ang Babae Sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken, sa direksiyon ni Marlon Ramirez.

Ang Dreamscape ang nasa likod ng pelikula, at batay sa nabasa namin, sa iWant TV ito ipalalabas.

Kaya naman masaya ngayon ang fans ni Tony, dahil muli siyang mapapanood sa pelikula, at makakasama pa niya si Eugene Domingo

-NITZ MIRALLES