Nasa kustodiya na ng pulisya ang 56-anyos na lalaki na isa sa dalawang suspek sa pambobomba sa labas ng isang mall sa Cotabato City nitong Disyembre 31, na ikinasawi ng dalawang katao at ikinasugat ng 34 na iba pa.

Sinabi ni Police Regional Office (PRO)-12 Director Chief Supt. Eliseo Rasco na isinuko nitong Linggo ng kanyang mga kaanak si Salippudin Pasandalan makaraang mapanood sa balita ang litrato niya na kuha mula sa closed circuit television (CCTV) camera footage.

Matatandaang isinapubliko ng pulisya ang litrato ng dalawang sinasabing suspek sa pambobomba. Ang nakababata sa dalawa ang pinaniniwalaang nag-iwan ng bomba sa harap ng South Seas Complex nitong bisperas ng Bagong Taon.

Ang nakatatandang suspek ay si Pasandalan.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“He was surrendered by his relatives on Sunday night and the investigation is ongoing… he is really the one in the picture, in the CCTV,” sabi ni Rasco. “But he’s denying it. He is now assisted by his lawyers so he would not talk. But he’s denying it.”

Sumabog ang isa sa dalawang bomba nang iwan sa harap ng mall, habang ang isa pa ay natagpuan sa loob ng establisimyento at kaagad na na-detonate.

“Until now, we are studying as to what the motive really is. We still do not know what group is behind,” sabi ni Rasco, sinabing wala pa silang nakakalap na ebidensiya kaugnay ng alegasyon ng militar na ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFFP) ang nasa likod ng insidente.

-Aaron B. Recuenco