OPENING na today, January 8, ng first solo movie ni Jose Manalo, ang true-to-life story na Boy Tokwa, Lodi ng Gapo sa cinemas nationwide, right after ng pagtatapos ng 44th Metro Manila Film Festival kahapon, January 7.

Jose copy

Directed by Tony Reyes, tinawag ni Jose na dramedy ang kanyang pelikula.

Kilalang mahusay magpatawa si Jose, pero mas mahusay daw pala siyang magpaiyak.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Si Senator Tito Sotto at ang kanyang VST Ventures Production ang producer ng pelikula at si Jose kaagad ang naisip nilang gumanap sa role ni Boy Tokwa. Biro nila, dahil kamukha raw ng cheeks ni Jose ang cheeks ni Boy Tokwa, batay na rin sa sinabi ni Ms. Kitchie Benedicto-Paulino, na may rights para isapelikula ang buhay ni Boy Tokwa. Ito kasi ang ipinangako ni Ms Kitchie sa yumaong asawang si dating Olongapo Mayor Robert Paulino, na best friend ni Boy Tokwa.

Sino ba si Boy Tokwa? Taga-Sampaloc, Maynila si Boy pero napunta siya sa Olongapo in 1960 at doon siya nakilala bilang Boy Tokwa. Minahal siya ng mga taga-Gapo dahil ang kinakatalo niya ay ang mga US soldiers doon, at ang kinikita niya ay hinahati-hati niya sa mahihirap doon.

Si Boy Tokwa ang Robin Hood ng Olongapo. Kahit daw gaano kaliiit ang kitain ni Boy, hindi niya pinagkakaitan ang mga nangangailangan sa Gapo. Member ng Bahala Na Gang si Boy sa Olongapo, pero kaibigan din niya ang OXO Gang at ang Sputnik Gang.

On his part, matagal na palang pangako ni Tito Sen kay Jose, na igagawa ang huli ng solo project, o iyong hindi kasama ang mga kaibigang sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros. Pero nagulat pa rin si Jose nang personal na silang nag-meeting at kasunod na ang shooting ng pelikula.

Supported naman si Jose ng Eat Bulaga, dahil nang sabihin ito ni Tito Sen kina Mr. Tony Tuviera at Vic Sotto ay pumayag silang umalis si Jose para mag-shooting sa Guam at Olongapo, kaya ilang araw siyang hindi napanood sa noontime show.

Kasama rin sa movie sina Allan Paule, Buboy Villar, Karel Marquez, Gian Sotto, at introducing ang grandson ni Tito Sen sa anak na si Apple, si Mino Sotto, na gumanap na apo ni Boy Tokwa, na tinutuklas ang mga ginawang pagtulong ni Boy Tokwa sa mga taga-Olongapo.

Bilin nga pala ni Direk Tony Reyes sa mga manonood: Magdala kayo ng towel o panyo, dahil tatawa at iiyak kayo sa mga eksena ni Boy Tokwa.

-NORA V. CALDERON