BUKAS, January 1, 6:00 pm, ang labas ng full trailer ng Regal Entertainment movie na Elise starring Janine Gutierrez. Sa YouTube at Facebook account ng Regal mapapanood ang trailer ng pelikula, na showing sa January 23.

Kapareha ni Janine sa Elise si Enchong Dee, sa direksiyon ni Joel Ferrer. Inspired daw ito ng true story, at kung kaninong story, malalaman natin sa Regal.

Aliw si Enchong dahil ibinuking niya na may kissing scene sila ni Janine sa pelikula at iniinggit pa ang BF ni Janine na si Rayver Cruz. Pero alam ni Rayver na trabaho lang ang ginawa nina Janine at Enchong at best friend niya si Enchong, kaya hindi ito isyu sa kanya at hindi nila pag-aawayan ni Janine.

Speaking of Janine, by now ay nakabalik na sila ng kanyang pamilya mula sa bakasyon nila sa Los Angeles, California, kung saan kasama nila si Rayver.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagrereklamo lang ang fans nina Janine at Rayver dahil ang tipid nilang mag-post ng picture na magkasama sila. May dalawang photos lang yata na magkasama sila, at ‘yung isa ay sa IG Story pa ni Janine nakalagay, na nade-delete rin.

-Nitz Miralles