SYDNEY (Reuters) – Epektibo na kahapon ang makasaysayang kasunduan ng 11-bansa, ang binagong bersiyon ng Trans-Pacific Partnership (TPP), at pinuri ng trade minister ng New Zealand ang mga oportunidad na iprinisinta nito sa exporters.
Hindi kasama sa deal, babawasan ang tariffs sa halos buong Asia-Pacific region, ang United States matapos umurong ang Washington sa TPP negotiations noong 2017.
“The Comprehensive and Progressive Agreement for Trans-Pacific Partnership (CPTPP) provides New Zealand with trade agreements for the first time with three significant economies: Japan, Canada and Mexico,” saad sa pahayag ni Trade Minister David Parker.
Nagkabisa ang kasunduan nitong Linggo para sa Australia, New Zealand, Canada, Japan, Mexico at Singapore, at susunod ang Vietnam sa Enero 14.
Lalarga ito sa Brunei, Chile, Malaysia at Peru sa loob ng 60 araw matapos nilang makumpleto ang kanilang ratification process.