NEW YORK (AP) – Suot ang itim na catsuit sa Paris, pinatunayan ni Serena Williams na siya ang natatanging star sa Grand Slam stage.

 WILLIAMS: Malupit kahit naging isang ina. (AP)


WILLIAMS: Malupit kahit naging isang ina.
(AP)

Umusad siya sa finals ng Wimbledon at U.S. Open, sa kabila nang maiksing panahong paghahanda. Hindi man nagtagumpay, hindi malilimot ang taong 2018 sa career ng American tennis superstar.

Apektado man ang kalusugan bunsod nang pagsilang ng unang supling, ang matikas na pagarangkada ng career ay sapat na para para mapagtagumpayan ni Williams ang bagong hamon sa kanyang buhay.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bunsod nito, tinanghal na The Associated Press Female Athlete of the Year si Williams – sa ikalimang pagkakataon.

Nakatanggap si Williams ng 93 puntos sa botohan ng mga U.S. editors at news directors nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila), habang si gymnast Simone Biles ang pangalawa na may 68 boto. Nasa ikatlong puwesto si Notre Dame basketball player Arike Ogunbowale kasunod sina Olympic snowboarder Chloe Kim at swimmer Katie Ledecky, ang 2017 winner.

Sa lima, tanging si Williams ang hindi naging kampeon sa taong 2018.

Sa edad na 37, nakakaharap ngayon ni Williams ang mga players na hindi pa ipinapanganak nang taong naging isa siyang professional noong 1995. Hindi man kasinglakas, simbilis at katindi sa kasalukuyan kumpara sa panahon na nagbigay sa kanyan ng 23 Grand Slam title, kabilang ang 2017 Australian Open habang nagdadalang-tao, isang malaking banda si Williams sa mga karibal.

“I’m still waiting to get to be the Serena that I was, and I don’t know if I’ll ever be that, physically, emotionally, mentally. But I’m on my way,” pahayag ni Williams.

“I feel like I still have a ways to go. Once I get there, I’ll be able to play even hopefully better.”