Magandang balita para sa mga empleyado ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sinabi ni BJMP Chief Jail Director Deogracias Tapayan na kuwalipikado ang ahensiya para tumanggap ng performance based-bonus (PBB).

Ayon kay Tapayan, nakatanggap na sila ng kumpirmasyon mula sa Inter-Agency Task Force na nagsasabing nakatugon sa requirements ang BJMP para maging kuwalipikado sa PBB.

Pinasalamatan naman ni Tapayan ang mga opisyal at tauhan ng BJMP na nagtulung-tulong para makapagbigay ng magandang performance ang kawanihan.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Sa sandaling mailabas na ang pondo para sa naturang bonus, awtomatiko itong ipapasok sa account ng mga kuwalipikadong tauhan ng BJMP.

-Beth Camia