NATANONG si Marco Gumabao sa pocket interview ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Aurora, na pinagbibidahan ni Anne Curtis, tungkol sa shooting nila sa Batanes kung saan muntik na raw maaksidente ang aktor, base sa kuwento nina Anne at Direk Yam Laranas.

Marco (pakigamit po)

“Marami kaming scenes na nagda-dive sa tubig talaga, kasi nga we’re saving mga patay na katawan,” kuwento ni Marco.

“May shoot kami sa Batanes na raging water talaga, nasa gitna kami ng dagat and then siyempre mga cameras namin, Go Pro lang, eh. Mahirap kasi ang lakas ng current sa Batanes at parang hinihila ka pababa, so it was hard to act and swim at the same time kasi iniisip mo kung magiging safe ba ‘yung gagawin mo o parang kung may mangyari sa iyong masama.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Pero ako naman, I just trust the director and ginawa ko naman ‘yung sinabi niya, buti naman nagawa ko.

“Matagal kami sa dagat, minsan nga may inilalapit na sa aming oxygen tank para tumagal din ako under water. Well, hindi naman ako takot sa tubig kasi laking beach din naman ako.”

Nabanggit ni Marco na sobrang tahimik sa Batanes.

“’Pag gabi naglalakad-lakad ako, naghahanap ako ng tsitsirya. Ang aga kasi nilang matulog. So safe talaga kapag mag-isa kang naglalakad. Walang night life roon, walang gimik.”

Aminado naman si Marco na hindi niya feel na manirahan sa Batanes.

“Hindi,” napangiti siya. “Siguro kung gusto mong magbakasyon sa tahimik, puwede ro’n. Pero manirahan, hindi siguro.”

Makikita sa pelikulang Aurora ang ganda ng Batanes.

Unang beses palang makakasama si Marco sa MMFF kaya excited siyang sumakay sa float, sa MMFF Parade of Stars, sa Linggo.

-Reggee Bonoan