DINUNGISAN ng College of St. Benilde ang malinis na karta ng last year’s runner-up San Beda College kasosyo ang San Sebastian sa women’s class ng 94th NCAA volleyball tournament kaahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Hataw si power-spiking Klarisa Abriam sa game-best 19 puntos tampok ang 18 kills para sa ikaapat na panalo ng mga bataan ni coach Jerry Yee.

Umusad ang CSB ng isang laro ang layo sa San Beda, nagtamo ng unang kabiguan matapos magwagi ang kontra Arellano U, nangunguna sa markang 5-0.

Nalatagan ng depensa ng Lady Blazers si Maria Nieza Viray, ang league’s scoring leader tangan ang average na 16 puntos kada laro.

Pinakamatandang 'Olympic champion,' pumanaw sa edad na 103

Nanguna sa San Beda ang kambal ni Viray na si Maria Jeziela na may 16 puntos, habang si team captain Cesca Racraquin ay may 13 puntos.

Sa men’s side, dinurog ng CSB ang San Beda, 25-21, 25-21, 25-19, para makapasa sa AU para sa sosyong liderato na may 4-1 karta.