KUNG kalinisan ang pag-uusapan, hindi pahuhuli ang Clean & Glide Technology ng Caltex with Techron.

caltex

Sa isinagawang borescope test nitong Oktubre, nakakuha ng average 9.7 rating mula sa iskor na  10 sa Asia, habang 9.8 mula sa iskor na 10 sa Pilipinas ang kalinisan ng mga makina at sa ibinubuga ng balbula gamit ang Caltex sa pamg-araw-araw na biyahe.

Human-Interest

Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa

Isinagawa ang Caltex’s borescope test sa apat na Asian markets -- Philippines, Hong Kong, Cambodia at  Thailand – kung saan sinuri ang may 694 balbula mula sa 94 sasakyan. Ginamit sa pagsusuri ang Karl Storz borescope para makita ang loob ng fuel system ng sasakyan at ikinumpara sa ginagamit na Co-operative Research Council (CRC) Intake Valve Deposit (IVD) rating system kung saan ang makukuhang iskor na 10 ang magpapatunay sa kalinisan ng makina.

Importante ang pagkakaroon ng malinis na makina dahil ang duming naiipon ay nagiging dahilan para sa mababang performance ng sasakayn at aoketado ang  power, acceleration, fuel economy at emissions.

Sinaksihan ng mga car club members at enthusiasts ang mga impormasyon sa resulta ng borescope test sa isinagawang fourm kamakailan, sa pangunguna ni Mr. Greg Engeler, Chevron’s Product Engineering Manager for Asia Pacific.

“The recent borescope test once again helps demonstrate to local motorists that not all fuels are created equal. Since our last test in 2013, Caltex fuels continue to work at keeping parts clean, thereby contributing to five performance benefits – maximized power, better fuel economy, lower emissions, a smoother drive, and reliable performance,” pahayag ni  Engeler.

“This is also the first time the new Caltex with Techron® formulation has been tested under the local market – with local fuels, under local climatic, driving, and traffic conditions. We are delighted that the latest Clean and Glide technology is proven to deliver unbeatable cleaning power to help our customers’ cars perform at their best,” aniya.

Ang mga sasakyan na gumagamit ng Caltex with Techron® ay nakakuha ng average score na 9.7 mula sa iskor na 10 across mula sa apat na bansang nabanggit, sapat para lagpsan ang  average 8.9 iskor sa mga sasakyan na gumagamit may mababang kalidad ng gasoline.

Sa pagsusuri, ang mga sasakyan na gumagamit ng mababang kalidad ng langis ay may mababang valve reading na 5.0, 5.0, 6.5, at 8.5 mula sa  Cambodia, Philippines, Thailand at Hong Kong, ayon sa pagkakasunod.

“We are extremely proud of the borescope test results as these provide concrete evidence of the consistent performance of Caltex with Techron. Achieving such a high score in valve cleanliness reflects our commitment to providing only the best-quality fuel products. We are thrilled to be sharing this news with our media and car club friends,” sambit ni CPI country chairman Louie Zhang.

Patunay ang  borescope test sa layunin ng Caltex na panatilihin ang kalinisan sa mga makina ng sasakayan gayundin sa kapaligiran sa paggamit ng mga dekalidad na produkton ng Caltex.