Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Army (PA) ang dalawang kuta ng grupong New People’s Army (NPA) sa boundary ng Bukidnon at Misamis Oriental sa Northern Mindanao, kamakailan.

Sa ulat na tinanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP), inatake ng 403rd Infantry Battalion (IB) ang nasabing kampo kung saan nakasagupa ng mga ito ang aabot sa 100 kasapi ng kilusan, nitong Biyernes.

Matapos ang bakbakan, umatras ang mga rebelde at iniwan na lamang ang kanilang mga gamit.

Kabilang sa mga nasamsam ng militar ang ilang piraso ng improvised explosive device (IED), mga baril, gamot, generator set at listahan ng mga negosyanteng kanilang kinikikilan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa ulat, nakatakda sanang idaos ng mga rebelde ang kanilang ika-50 anibersaryo sa inabandona nilang kuta sa Disyembre 26.

Hindi pa matiyak ng militar kung may napatay o nasugatan sa mga rebelde.

-Fer Taboy