ONE billion tweets! Congratulations sa AlDub Nation (ADN), mga fans ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza. Hindi sila talaga nagpatalo simula nang mag-post sila calling for a one billion tweets na everyday ay gagamitin nila ang nasabing hashtag nina Alden at Maine.
Any event ng dalawa, lagi itong may “AlDub” na hashtag. Kahit may solo event sina Alden at Maine, naroon pa rin ang hashtag ng AlDub.
Sa pagtatanong namin kung kailan sila unang naglabas ng hashtag ng AlDub , nalaman namin na (please correct me if I’m wrong) ito ay noong first weeksary ng love team sa kalyeserye ng Eat Bulaga dated July 23, 2015.
July 16, 2015 unang nagkita sina Alden at Maine sa kalyeserye, at ang unang hashtag nila ay #AlDub1stWeeksary. Pero July 22, 2015, may ginamit silang hashtag na #AlDub at #LoMy, pero hindi official.
Sa simula ay team effort ang ADN sa paggawa ng hashtag na gagamitin nila isang araw, from 12:01 am to 11:59 pm. Brainstorming sila para sa mga hashtag bago nagkaroon sila ng Official AlDub Trendsetter, na nagbibigay ng hashtag bago ang 12:00 midnight.
Noon, halos more than one million ang tweets nila araw-araw. Hanggang sa dumating na nga ang record-breaking na “Tamang Panahon” ng Eat Bulaga, na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan. Nakapagtala ang AlDub ng more than 41 million tweets on that day, October 24, 2015.
Hanggang sa ngayon ay wala pang nakakatalo sa record ng “Tamang Panahon”, kaya nabigyan sila ng Guinness World Record para sa highest tweets in a day. Wala pa ring nakakatalo sa AlDub bilang most tweeted love team.
Pero last Wednesday evening, December 12, umabot na nga sa one billion tweets ang AlDub hashtag, na nag-coincide pa sa hashtag nila ng December 13, na #ALDUB178thWeeksary.
Binati at nagpasalamat na sina Alden at Maine sa ADN.
Tuluy-tuloy pa rin ang paggamit ng ADN ng AlDub hashtag, at umaasa pa rin sila na tutuparin ng managements nina Alden at Maine ang pangako sa kanila na muling gagawa ng pelikula o teleserye ang magka-love team. Una nang nagbida sina Alden at Maine sa pelikulang Imagine You & Me, shot in Italy in 2016, at sa teleseryeng Destined To Be Yours, na ang kabuuan ay kinuhanan sa Dolores, Quezon last 2017.
-Nora V. Calderon