ILOILO CITY – Magsisimula na ang biyahe ng mga pasahero mula sa China patungong Boracay, mahigit isang buwan matapos na muling buksan sa mga turista.

Ayon kay Atty. Helen Catalbas, Western Visayas regional director ng Department of Tourism (DoT), magsisimulang maghatid ng Chinese passengers ang OK Airways sa Disyembre 7.

Ang biyahe ay dadaan mula Nanning at Changsha sa China patungong Kalibo, ang capital ng Aklan.

Sinabi ni Catalbasa sa Balita na ang Nanning-Kalibo, Changsha-Kalibo at vice versa flights ay pinamumunuan ng DOT’s attaché sa Shanghai.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

-Tara Yap