NATUWA ang mga fans ni Andi Eigenmann nang mag-post sa Instagram ang kapatid niyang si Gabby Eigenmann ng picture na kuha nito sa birthday party ng pamangking si Ellie, kung saan makikitang kasama ng bata ang mga magulang na sina Andi at Jake Ejercito.

Andi, Ellie at Jake copy

“Happiest bday @ellieeigengirl Love you! #damikogustoihashtagperowgnalang! @andieigengirl @unoemilio kudos to u guys!!”

Hindi lingid sa lahat na naging kontrobersiyal ang pagkakakumpirma sa tunay na ama ni Ellie. Matatandaan na dating magkasintahan sina Andi at Jake, hanggang sa finally ay nakumpirma na nga na ang tunay na ama ni Ellie ay si Jake.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Maraming nag-comment na “sana sila na lang ulit”, tungkol kina Andi at Jake.

May nag-comment din na, “parang gusto ko maiyak...ngayon ko lang ulit nakita sina @andiegengirl at @unoemilio sa isang pic... sana talaga, sana magkabalikan na sila! Nakakakilig!”

May bagong boyfriend si Andi, pero walang napapabalitang may girlfriend Jake. Mas gusto kasi niyang alagaan si Ellie.

-NORA V. CALDERON