No sweat.

Teodoro

Teodoro "Teddy Boy" Locsin Jr. (Photo by Jansen Romero)

Ito ang ‘tila naglalaro sa isipan ng batikang kolumnistang si Teddy Boy Locsin nang walang kahirap-hirap siyang nakalusot sa kumpirmasyon ng Commission on Appointment (CA) bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa mosyon ni Senador Panfilo Lacson, chairman ng committee on foreign affairs, kaagad na naaprubahan ang appointment ni si Locsin.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Wala namang tumutol sa mga miyembro ng CA, na kinabibilangan ng mga kongresista at senador.

Inilarawan ni Lacson na “maverick and quick-witted” person si Locsin, na minsan na rin naging opisyal sa panahon nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating Pangulong Joseph Estrada.

“Ito ‘yung tao na nang-iinsulto at nanglalait na, masarap pa ring pakinggan at excited ka pang marinig ang mga susunod na sasabihin,” ani Lacson.

Pinalitan ni Locsin si Alan Peter Cayetano, na nagbitiw sa DFA dahil kandidato siya para kongresista ng Taguig City.

-Leonel M. Abasola