TATLONG bagong tourist attraction sa unang distrito ng Nueva Ecija ang nakatakdang makatanggap ng kinakailangang pasiglahin sa pamamagitan ng pondo mula sa Kongreso.
“Isa po sa isinusulong ng Department of Tourism (DoT) ngayon ay ang faith and eco-tourism,” pahayag ni Senator Nancy Binay, pinuno ng Senate Committee on Tourism, makaraan ang ocular inspection sa Mt. Bulaylay kamakailan.
Binisita rin ni Binay ang Holy Face of Jesus at the Immaculate Concepcion Parish sa bayan ng Nampicuan, na kabilang sa panukalang-batas na naipasa kamakailan sa Kamara de Representantes na inakda ni Rep. Estrellita Suansing.
Kabilang din sa panukalang isinulong ni Suansing na layuning masuportahan ang pagtatatag ng mga programang pangturismo sa kanyang distrito ay ang popular na Taong Putik Festival sa Barangay Bibiclat, Aliaga.
Nakaaakit ng mga lokal na turista ngayon ang Mt. Bulaylay sa Barangay Landig, Cuyapo,Nueva na may ipinagmamalaking zipline.
“Kitang-kita ko ngayon na ang tatlong bayan na ito ay pwedeng magtulungan para i-develop yung ganitong klaseng tourist destination,” pahayag ng sendor.
Ayon pa kay Binay, magandang balita ang hinaharap ngayon ng industriya ng turismo dulot ng pagtaas ng bilang ng mga dumarating na turista sa buong bansa, bagamat marami pa rin ang kailangan gawin dahil nananatili itong nasa likod ng mga kalapit nating bansa sa Timogsilangang Asya.
“Because us, we have seven million tourist arrivals and Thailand, I think has 30 to 50 million tourists already,” ani Binay.
Dagdag pa niya, dahil nasa panahon ngayon ng paglalaan ng budget ay kinakailangan bantayan ng mga mambabatas ang pondo ng DoT upang matulungan ang mga nasa fourth at fifth class municipality na mapaunlad ang kanilang mga tourism sites.
Malaking tulong umano ang ‘peace and order’ ng bansa sa kabila ng kawalan sa ilang malalayong lugar.
“I think the mere fact there is a growing trend in tourist arrivals, peace and order is no longer such a big problem but of course, there are some places in the country that until now are under alert status like Mindanao,” paliwanag ni Binay.
“I think here in Luzon and also in the Visayas, we can maximize the tourism industry,” aniya.
PNA